Dahil nagstay si baby sa NICCU ng 7days, binigyan na siya ng formula sa bote ng mga nurse. Dahil dito, hindi naging maganda epekto kay baby E dahil nung ibinalik sya samin ayaw na nia maglatch at nasanay na sa bote… 😞
Heto ang mga nakatulong sa akin para maibalik si baby sa pure breastmilk: 🙂
1. Paginom ng Tubig
Pag inom ng madaming tubig. Minimum atleast 8glasses of water a day
2. Malunggay Leaf
Hinahalo sa lahat ng ulam ko, at minsan iniinom ko sya ng puro.
3. Malunggay Supplement
Niresetahan ako ng OB ko ng Natalac na iniinom ko three times a day
4. Lactation Cookies
Gumawa ako ng lactation cookies na may Brewers Yeast and Flaxseed Meal
NO Bake kasi wala kami oven hehehe here is the full recipe:https://youtu.be/eBAx_O0nujk
5. M2 Malunggay
Naging epektibo din sa akin ang M2 Malunggay na nabibili lamang sa Andoks. Concentrated malunggay, okra at luya ito na mabisa ding pampagatas.
6. Oats
Madalas na breakfast ko ang oatmeal na nakakatulong din magpadami ng gatas.
7. Green Leafy Vegetables
Kahit anong mga talbos ay mabisang pampagatas din.
8. Unli Latch
Direct latch ni baby ay isa sa pinakamabisang pampadami ng gatas, noon ayaw ni baby dumede kasi nasanay sa bote, kaya tuwing gabi ko inumpisahan padedehin hanggang masanay sya ulit.
Mapapanuod niyo din sa video na ito ang mga paraan na ginawa ko to boost my breastmilk supply 🙂 https://youtu.be/1NI6_hZZRV4
Struggle is real talaga mga nanay. Pero kung talagang
gusto ninyo magbreastfeed kakayanin tiisin lahat.
Apir!
https://pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js
“always remember na mas mahalaga pa din na hindi madehydrate si baby whether formula milk or breastmilk”