Senado Square, isa sa kilalang puntahan ng turista sa Macau. Sobrang dami ng tao dito talaga lalo na pag weekend.
Madalas puntahan dito mga store na magkakatabi at ang Ruins of St. Paul. Dahil budget friendly blog na to Ruins tayo!! 🙂 Maliit na street sa kanan from Innisfree. Madali naman sya makita kasi madami tao na papunta dun lahat.


Picture taking and history talaga ang Ruins of St. Paul, pero pwede din naman mag FOODTRIP!
1. Portugese Egg Tart (10 MOP). My favorite! Sarap nito, Im sure nakatikim na iba dyan pero sarap ulit ulitin. Malambot at crispy ung tart.
2. Fried Dumplings (3pcs-5 MOP). Must try! Along the way to Ruins may maliit na eskenita sa left between Optical 88 at Tony Moly nagiisa lang sya dun na bilihan ng dumplings. Ginagawa namin bibili kami tapos dadalhin namin sa Ruins, upo sa stairs tapos tatambay dun konti para kumain.
3. Milktea (19-25 MOP). Eto talaga pantanggal umay hehe. My personal favorite na store is Gongcha or Comebuy then green tea milktea ako palagi with jelly. Pwede niyo to baunin hanggang makarating kayo sa bilihan naman ng streetfood after mag Ruins.
4. Streetfood (yung price is depende sa mapipili mo). Pang finale namin bago umuwi ang streetfood! After Ruins katapat na street ang bilihan ng streetfood. Usually bibili kami tapos dadalhin namin sa parang park na may fountain at cross sa taas malapit lang din mula sa bilihan ng streetfood. Palatandaan is yung fountain na maliit sa dulo. Ayun tapos lalakadin niyo lang paakyat.


I hope this will help para sa simpleng foodtrip kasabay ng pamamasyal! Apir!