Umpisa na naman ng Lights Festival dito sa Macau. Isa sa napuntahan namin ay ang lights display at rose light garden sa Nam Van Lake.
Ang Nam Van Lake ay isa sa dalawang man-made lake sa Macau. Payapa ang lake na ito na may view ng mga kilalang Hotels, Macau Tower at ng Ponte Governador Nobre de Carvalho bridge. Perfect place para sa Lights Festival!
Open for public at walang bayad! 😊
Dumating kami around 6:45 PM, maaga pa pala! 7:00 PM ang umpisa. Pero atleast nakita namin pagbukas ng mga ilaw!
Dahil sa maaga kami dumating, hindi namin agad nakita kung saan ang flower garden light. Para sa mga maglalakad mula sa AIA Tower side ng lake, lakad lang kayo papunta sa malaking umbrella (ayon sa guard) malapit sa Macau Tower. Yan ang palatandaan kung saan ang garden light! Habang nilalakad namin papunta sa malaking umbrella, nakakarelax tingnan ang pang instagram na view ng mga hotels, bridge at ng Macau Tower. ❤️
Para sa mga magbubus naman, mula sa Praca Ferreira Amaral ( malaking bus stop malapit sa Hotel Lisboa ) sakay kayo ng Bus 32 – to Macao Tower, baba kayo sa Praca Da Assembleia Legislativa, lakad ng 94 m ( 1 min. ) papunta Nam Van Lake.

Pero kung pupunta kayo ng 7:00 PM madali naman agad makita kung saan ang lights display. Pwede din magtanong sa mga guard, pakita niyo lang pictures dito sa blog! 👍🏼

Mahaba haba din ang garden light na pwede pumasok sa loob para magpicture at maglakad sa gitna. May pila mula sa blue flower lights then exit namn sa kabilang dulo sa mga white flower lights. Kami, na di alam na may pila at pwede pala pumasok, sa gilid lang kami pumwesto para magpicture! 😁😂.
Nakakarelax panuorin ang mga ilaw habang nakatingin sa lake kasabay ng preskong hangin! ☺️
Kung dito kayo magpapasko, o kaya naman ay magbabakasyon ngayong December, madaming lights display sa mga tourist attractions ng Macau, at isa ito sa pwede ninyong puntahan.
Enjoy visiting Nam Van Lake Lights display!
Don’t forget your camera! Apir!